Paano kumita ng pera sa Internet na walang pisikal na produkto na binibenta? (Tagalog Version)

Para kumita ng pera sa internet na walang pisikal na produkto na binibenta ay isang paghamon. Pero may pag-asa sa ganitong sitwasyon. 

Maraming nagsasabi na para ka daw kumita ng pera sa internet ay dapat raw na magbenta ka ng kahit anung pisikal na produkto sa Internet. 

Pero ang hindi nila alam na maraming mapagpipilian kung paano kumita ng pera sa internet na walang pisikal na produkto na binibenta.

Ang unang pwedeng pagpilian ay ang pagbebenta ng digital products. Oo, tama ang narinig ninyo, ang pagbebenta ng digital products ay isa sa pinaka mabisang paraan para ka kumkita ng pera onlayn sa kapanahunan ngayon. 

Dahil ang pagbebenta ng digital products ay madali at walang maraming aberya. Pwede mo itong ibenta kahit saan mo gusto basta’t may internet sa lugar mo.

Hindi lang yan..

Ang merkado mo ay buong sanlibutan, pwede mong targetin ang buong nasyon sa ibat-ibang bansa na walang kakapusan ang suplay ng produkto. Dahil nga hindi ito nahahawakan, pero nagagamit mo ang benipisyo at buong kagamitan nito onlayn.

Ito-ito ang mga ilan lang sa mga digital na produkto na pwede mong ibenta para kumita ng pera sa internet.

1. E-books

Ang e-books ay napaka popular sa buong mundo bilang isang produkto na binibenta onlayn. Dahil sa mga tao na naghahanap ng kasagutan ng kanilang mga tanong o problema onlayn. 

Kaya’t dumating ang mga e-books para punan ang mga impormasyon na kailangan ng mga tao na naghahanap ng detalyadong kasagutan sa mga tanong at problema nila. 

Ibig sabihin...

Ang e-books ay napakagandang paraan para ka kumita ng pera sa internet. Walang duda dito, kahit nga ang Amazon na isa sa pinakamalaking komersyo onlayn ay nagbebenta ng mga e-books sa internet.

2. Affiliate Program

Ang Affiliate Program ay isang seguradong paraan para ka kumita ng pera sa internet kahit na wala kapang pisikal na produkto na binibenta. 

Pwede mong pagpilian ang libo-libong affiliate site sa internet, katulad ng Clickbank na pwede mong aplayan bilang isang affiliate partner.

Napakaraming affiliate program ang pwede mong pagpilian para magbenta sa internet. Depende sa pagsasaliksik mo sa merkado nila kung saan ang pinaka mabenta at walang masyadong kumpetensiya na produkto onlayn. 

At isa narin dito ang Commission Junction, Isa rin itong affiliate program na pwede mong salihan kung gusto mong magbenta ng digital products na ibat-ibang klase para kumita ng pera sa internet.

3. Application Software

Ang isang ito ay para sa mga matagal na sa pagiging marketer at may alam na sa mga pag-gawa ng application software, lalo na yung may alam sa programming at gustong umangat sa ibang pagsasanay. 

At meron pa..

At dahil narin sa demand ng produktong ito onlayn, marami ang programmer na dahan dahan naging full time sa pagiging Internet Marketer. 

At maraming tao ang nae-engganyo na bumili ng application softwares sa Internet dahil sa mabilis na pag-usad ng modernisasyon sa Internet. 

Samakatuwid..

Kung sa tingin mo ay mas bagay ka dito, Piliin mo ang application software na pangunahing produkto na ibebenta mo para kumita ng pera sa internet.

Ayan po, Ito ay ilan lang sa mga digital products na mai-rerekomenda ko sa inyo para kumita ng pera sa internet kahit walang pisikal na produkto na binibenta. 

Sanay may napulot kayong kunting kaalaman sa post ko ngayon at maging tagasunod ng blog ko para sa susunod na mga kaalaman na ibabahagi ko sa inyo.

P.S Hindi muna kailangan na maging isang napakagaling na Internet Marketer para ka kumita ng pera sa internet. Kailangan mulang ay maging bukas ka sa mga opportunidad na dumadating sayo. 

Bisitahin mo ang link na ito at pag-aralan ang napakagandang opportunidad na magpapayaman sayo.

 Click Here 

No comments:

Post a Comment