Limang stratehiya na magpapayaman sayo sa Internet Marketing Business. ( Tagalog Version)

Marami sa nga tao ngayon ay patuloy paring nagkukumahog sa kahahanap kung ano ba talaga ang sekreto kung paano maging mayaman sa pagiging Internet Marketer. 

Kahit ano-ano nalang ang binibenta at pinapasukang mga ibat-ibang kumpanya, na nagbabaka-sakali na yun na ang produkto o opportunidad na maghahango sa kanila sa kahirapan. 

At ginamit na lahat ang paraan na itinuro sa kanila ng kanilang upline o kumpanya kung paano ang pag market sa Internet. 

Pero hanggang ngayon maliit pa rin ang resulta at ang iba wala kahit singkong duling na kita sa mga pinag-gagawa nila online.

Kaya’t ang iba sinisisi sa produkto, kumpanya, upline, downline, grupo, pamilya, bansa, at sino-sino nalang ang pinagbibintangan sa mga kamalasan na nagyayari sa pagiging Internet Marketer nila. 

Hinde ko sila masisisi kung bakit ganun ang reaction nila, maging ang iba ay huminto nalang sa pagiging Marketer at bumalik o nagpokus nalang sa pagiging empleyado. Ang saklap diba, matapos kang naghirap  at gumastos ng ilang buwan o taon, walang nangyari sa mga pagod mo.

Dito sa post ko ngayon, Ibubunyag ko ang limang stratehiya nang pagmamarket na ayaw sabihin ng mga top Internet Marketing Professional, baka kasi, dadami ang kumpetensiya nila. 

Pero sa tingin ko panahon na para tapusin na ang mga walang kwentang paraan ng pagmamarket natin online at gawin ang tama at naayun sa etikal na pamamamaraan. 

Paraan na matagal nang ginagawa ng mga Internet Marketing Gurus kaya sila yumaman ng husto sa Internet. Basahin ninyo at i-apply ninyo agad ang limang sekretong ito sa Internet Marketing Strategies ninyo.

1. Viral Marketing Strategy

Ito ang isang paraan ng pagmamarket online na ginagamitan ng psychological technique para ma attract mo ang maraming tao para tingnan, basahin o panuorin ang post/advertisement/content mo.

Maraming paraan ang Viral Marketing at pwede itong gawin bilang nakakatawa, nakakatakot, nakakabigla, nakakaawa o nakakamangha. 

Tulad halimbawa kapag may ipo-post ka sa facebook, Imbes na i-post mo agad yung produkto o kumpanya mo para may bumili o sumama sa kumpanya mo. Dapat ay i-atrract mo sila sa mga kakaiba mong post sa mga tao para ishare, I-like o i-tag nila sa mga kakilala nila. 

At malaki ang tsansa na maraming makakakita sa profile mo at macu-curious sila sayo at titingnan nila kung ano ang background, trabaho, negosyo kung meron man, o di kaya’y mag memesage sila sayo, dahil nga na attract mo sila sa mga post mo. 

Nakikilala ka at nagkakaruon ka ng maraming tagasunod o followers ng account mo. At madali muna silang offeran kung ano man ang produkto o kumpanya merun ka.

2. Value Marketing Strategy

Ang isang ito ay isa sa pinaka epektibo at sekreto na ginagamit ng mga top Internet Marketers sa buong mundo. Ito ang ginagamit nila para makahakot ng maraming tao papunta sa produkto o serbisyo na ini-offer nila. 

Tinawag itong Value Marketing dahil sa pagbibigay muna ng libreng benepisyo sa mga tao para magkaruon sila ng kumpyansa, tiwala at pagkagusto sayo bilang isang Internet Marketer. 

Maraming paraan para gawin ang Value Marketing, pwede sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng E-book, Pagbibigay ng libreng Webinar o Video, o kahit na anung bagay o impormasyon na magbibigay kasagutan sa kanilang tanong o problema. 

At kapag nakabuo kana ng mga taong may tiwala na sayo. Madali nalang at walang kahirap hirap muna silang offeran ng kahit anung negosyo merun ka.

3. Content Optimization Strategy

Ang isang ito ay ginagawa ng mga marketer na mayrong Website o blog. Ibig sabihin ng Optimization ay ang pag sasa-ayus ng blog mo para madaling makita o mahanap ng Google ang nilalaman ng blog o website mo. 

At kapag nasa tama ang pagkakaayus ng blog mo at nakita ng Google na maganda at maraming kaalaman na makukuha ang mambabasa sa blog mo, idadala ng google ang blog mo sa unang pahina ng Google search at malaki ang tsansa na maraming tao ang makakakita at papasok sa blog mo. 

Ibig sabihin, makikita rin nila ang mga produkto o serbisyo na inaalok mo sa mga tao at kikita ka nang malaki dahil dito.

4. A/B Testing Strategy

Ito ang ang klase ng stratehiya na ginagamit ng mga marketers na mahihilig sa Paid Advertisement. Ang A/B Testing ay ang pag aanalisa kung alin sa dalawa, tatlo o ilang mga advertisement mo ang mas kumikita o bumibenta.

Importante ito lalo na kung malaki ang budget na inilaan ng Marketer sa isang kampanya ng advertisement na ginawa niya. 

Dapat ay malaman ng bawat Marketer ang bawat detalye kung saan mahina o malakas ang isang advertisement campaign na ginawa niya. At dahil sa stratehiya na ito, kikita ng malaki ang isang marketer sa pamamaraan na ito.

5. Persuasion Marketing Strategy   

Ang isang ito ay pinag sama-samang stratehiya na ang layunin ay manipulahin ang pag-iisip ng isang tao para makumbinsi mo siyang bumili kung ano man yang ina-alok mo na produkto o serbisyo. 

Sa susunod kung post ay isa isahin kung tatalakayin ang mga paraan na ito kung papaano gumagana at ano ang dahilan kung bakit epektibo itong stratehiya pagdating sa pagbebenta online.

At dito nagtatapos ang post ko ngayun tungkol sa limang stratehiya na magpapayaman sayo sa Internet Marketing business mo. Sanay nabigyan ko kayo kahit kunting kaalaman para sa ikakaunlad at ikakaangat ng propesyon natin bilang isang Internet Marketer.

P.S Gusto mubang sumabay sa akin na kumikita ng walang kahirap hirap online? Gusto mubang tulungan kita para naman ay maranasan mo rin ang swerte na dumating sa buhay ko simula nang pumasok ako bilang isang Internet Marketer? 

Kung OO ang sagot mo, I-click mo ang link na ito at maging ka-team ko sa programang ito. Ang maganda dito, lahat kikita at walang maiiwan na luhaan.

Click Here