Ang apat na uri ng web traffic na dapat malaman ng mga Internet Marketer (Tagalog Version)

1. Manual Traffic

Itoy isa sa pamamaraan ng trapiko na kailangan mung gawin sa pamamagitan ng sariling pakikipag usap sa mga mamimili, katulad ng pagbibigay ng flyers, pakikipag prospecting online at offline, pakikipag chat sa facebook o kahit na saang social media. 

Malaki ang tsansa mung makabenta agad o maka sponsor ng tao sa ganitong klase ng pamamaraan ng traffic patungo sa negosyo mo, pero hinde ito pangmatagalan. 

Dahil kapag hinde ka gumalaw para makabenta, hinde karin kikita. At kapag nagkaganun dahan dahang babagsak ang negosyo mo.

2. Active Traffic

Ito ang klase ng trapiko sa onlayn na may kunting leverage, dahil narin sa tulong ng mga social medias katulad ng facebook. Gamit ang pag post, pag tag, pag share at paglike ay nakikita ng mga tao ang produkto o serbisyo na inaalok mo. 

Ang dis-adbentahe lang ng pamamaran na ito ay katulad rin ng manual traffic, kapag ikaw ay hinde nag post, tag at share ng negosyo mo, titigil din ang kita mo dahil nakasalalay ang traffic ng negosyo mo sa sarili mung pagsisikap.

3. Paid Traffic

Ang traffic na ito ay isa sa ginagamit ng mga top earner ng ibat ibang industriya ng online business. Dahil ang paid traffic ay pang madalian na resulta at wala kanang gagawin kungdi ang maghintay sa traffic na papasok sa negosyo mo. 

Isa lang ang kailangan mong gawin para makakuha ng paid traffic, yun ay ang pagbabayad sa mga advertising sites katulad ng facebook ads, google ads at iba pang sikat na social medias o advertising site na nagbibigay ng traffic service sa mga negosyante. 

Isa lang ang dis-adbentahe ng traffic na ito, yun ay ang pagbabayad para sa trapiko na kailangan ng negosyo mo. At kapag wala kang kapital para sa advertising ng negosyo mo, wala karing makukuhang benta o kita at titigil din ang trapiko papunta sa negosyo mo.

4. Passive Traffic

Ito ang klase ng traffic na ginagamit ng mga internet marketing gurus o yung mga super affiliates at mga naging milyonaryo sa online business. Ang traffic na ito ay kusang gumagalaw at kusang gumagawa ng traffic para sa negosyo mo. 

Ang maganda sa traffic na ito ay halos pwede mo itong makuha ng libre o sa kunting kapital lang para ka makagawa ng passive traffic sa negosyo mo. Ito ang masasabi kung pinakamagandang  traffic para sa negosyo mo. 

Pero ang dis-adbentahe lang nito ay kailangan ito ng pasensiya at panahon para magkaresulta, pero kung tuloy tuloy kalang ay seguradong makukuha mo ang napakaraming traffic na inaasam mo.

Ang traffic na ifto ay ang pag blo-blog, pag gawa ng articles at pag gawa ng mga educational videos na may aral para sa mga tao. 

At kapag nakilala ka sa larangang ito, marami ang tao na makakakilala sayo bilang eksperto at magkakaruon sila ng kumpyansa at tiwala sa ginagawa mo at madali muna silang mabentahan sa mga produkto at serbisyo na ini-offer mo.

At sanay nakapagbigay na naman ako ng tip para sa inyo kung ano yung apat na uri ng traffic na kailangang malaman ng bawat negosyante at Internet marketer.

P.S.Kung gusto mung malaman kung paano ang paraan para kumita ng mas mabilis at mas malaki sa onlayn, dapat mung bisitahin ang link na ito ngayon din. 

 Click Here