11 Pag-uugali o karakter ng mga matagumpay at mayayaman na negosyante (Tagalog Version)

Nagtataka ba kayo kung bakita maliit lang ang bilang ng mga mayayaman kumpara sa mga mahihirap? Napag isip-isip ba ninyo kung ano ba ang meron o kakayahan sila na wala sa mga mahihirap. 

Dito sa post ko ngayon, ibubunyag ko ang mga sekretong ugali meron ang mga mayayaman na hinde ginagawa ng karamihang ordinaryong tao.

1. Originality

Ito ang isang karakter meron ang isang mayamang tao o negosyante. Meron silang indibidwal na kakayahan o produkto, Sila yung gumagawa ng sariling imahe nila sa pamamagitan ng kanilang serbisyo o produkto na binabahagi sa mga tao.

 Sila yung tinatawag na Intrepreneurs kumbaga, naglalabas sila ng isang bagay o kakayahan na nakatatak lang sa kanila.

2. Consistency

Isa ito sa dahilan kung bakit sila nagpupunyagi sa anumang larangan na pasukin nila, hindi sila sumusuko kahit kailan. Kapag meron silang nasimulan na isang bagay na gusto nilang abutin. 

Pilit nilang ginagawa at pinag aaralan kung paano nila maabut ang gusto nila. Kahit na maraming kabiguan at pagkakamali ang kanilang daanan, ginagawa nila itong aral para sa susunod na hakbang na gagawin nila.

3. Focus

Sila yung nakatuon lang sa isang paruruonan, kahit na ano pamang balakid na nakahambala sa daraanan nila, hinde sila nagpapadala o nagpapa-apekto. Dahil alam nila na ang paghakbang ng matuwid at walalng liko-liko ay nagpapadali sa pag abot ng destinasyon nila.

4. Passionate

Ang mga mayayaman ay ginagawa nila ang isang bagay na gusto at mahal nila. Isang bagay na nasisiyahan sila sa pag gawa at hindi alintana ang resulta basta’t masaya sila sa ginagawa nila. 

Nararamdaman nila na tama at hindi labag sa loob nila ang ginagawa nila, at yun ang isa sa kaarakter nila kung bakit hindi sila napapagod o nawawalan ng gana sa mga desisyon nila dahil pinasok nila kung ano man yung nagpapasaya sa puso nila.

5. Obsessed

Ang isang ito ay katulad din ng Passionate, pero ang kaibahan lang nila ay ang naglalagablab na kagustuhan na makamit o makuha ang isang bagay o pangarap nila. Hindi sila tumitigil kahit na sa anong paraan ay pilit nilang inaalam para sa tagumpay na inaasam nila. 

Ang obsession ay minsan ay nakakasama sa isang tao pero kapag ginamit mo ang karakter na ito sa tamang paraan, malaking tulong ito para sa ikakagaling at ikakadali ng pag abot ng pangarap mo.

6. Positive

Ang pagiging positibo ay malaking tulong kung bakit madaling nakuha ng mga mayayaman ang tagumpay sa buhay. Hindi sila yung pumupuna ng pagkakamali ng iba, kung bakit hinde sila matagumpay sa buhay. 

Hinde sila nagrereklamo o namimintas ng iba para lang maiangat yung antas ng buhay nila. Alam nilang isa lang ang responsable sa lahat ng nangyayari sa buhay nila at yun ay ang sarili nila.

7. Confident

Ang karakter na ito ang isa sa nagbibigay sa kanila kung bakit maraming tao ang tumatangkilik ng mga produkto o serbisyo na ina alok nila sa tao. 

Ang pagiging confident nila ay nagbibigay ng imahe sa kanila na kaya at magaling sila sa larangan na pinasok nila. 

Nirerespeto sila ng tao ang kakayahan nila dahil sa ipinapakita nila sa panlabas na galaw at pananalita.

8. Creative  
                       
Ang mga matagumpay o mayayaman na tao ay hindi sumasabay sa agos ng buhay, hinde sila yung tao na kung ano ang sikat o kilala ngyon, yun ang susundin o tutularan nila. 

Ang pagiging malikot ng imahinasyon nila ang naging isa kung bakit angat sila kaysa ordinaryong pag iisip ng tao. Gumagawa sila ng sariling Estratehiya na magpapa angat sa kanila kaysa ibang tao na masaya na kung ano man ang meron sila at takot nang baguhin kung ano man ang nasanayan na nila.

9. Determined

Ang lahat ng mayayaman ay determinado at pursegido sa bawat hakbang ng kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay. Malakas ang kanilang paniniwala na kaya nila at walang imposeble basta’t may determinasyon at pagmamahal sa ginagawa.

10. Risk taker

Ito ang karakter nila na halos hinde ginagawa ng mga ordinaryong tao, yun ay ang pagiging malakas ang loob sa lahat ng mga desisyon nila sa buhay. Sumusugal sila sa isang sitwasyon kapag sa tingin nila ay makakatulong yun para sa pagkamit ng tagumpay na inaasam nila. 

Pero iba ito sa sugal na ginagawa ng mga mahihirap, itoy isang sugal na positibo at balewala sa kanila kung magtagumpay o hinde basta’t ang importante sa kanila ay sinubukan at may ginawa sila kaysa maghintay nalang ng pagbabago sa buhay nila.

11. Strength Analyzer

Ang isang ito ay isa rin sa sekreto ng matagumpay na tao kung bakit madali nilang maiangat ang estado ng buhay nila. Sila yung pinag aaralan ang bawat detalye ng eksperensiya na nararanasan nila sa mga pagkabigo at pag unlad ng buhay nila. 

Pilit nilang inaalam ano yung lakas nila na nagpapadali o nagpapa angat sa kanila at yun ang kanilang pinagtitibay at mas binibigyan ng atensyun dahil yun ang kanilang lakas na nagpapatibay ng pangarap nila.

Sanay naibigay ko sa inyo ang mga importanteng ugali o karakter ng pagiging isang mayaman para mai-apply ninyo sa inyung sarili at maging matagumpay rin kayo sa buhay.

P.S Kung nais ninyong malaman ang isa sa sekreto ko kung bakit kumikita ako ng sapat at siksik liglig na salapi sa Internet, Bisitahin nyo po ang website na ito at sabay nating tahakin ang tagumpay. 

 Click Here